BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Saturday, October 1, 2011

By Anonvii

Yan ang rason kung bakit ang dami nag bbreak. Pag nagtatanong ako sa mga kaibigan ko kung bakit sila nag break dahil daw sa SELOS.
Selos nga naman, nakakasira ng relasyon at ng tiwala.

1 year and 5 months. Ang daming tawa, away, kulitan at lambingan. Pero NEVER namin pinagusapan ang mag break. Nagsimula lahat dahil sa bestfriend namin, ang ganda nga ng una pagkikita namin eh, 16th birthday ko. Gumala kami nung gabing yun kasama siya, sympre kilig naman ako dahil trip ko siya. 11pm curfew ko nun, hinatid nila ako sa terminal ng trike at habang nasa trike may nag text na number lang "Hi, happy birthday! Si *toot* toh, ung pinakilala sayo ni *toot* kanina."

Alam na, nagsimula na ang "pwede ba manligaw?". Hindi planado ang pag sagot ko sakanya. Sa totoo lang sa relasyon namin di ako naghirap. Dahil siya ang unang boyfriend ko na naging legal, lagi na sa bahay hanggang 4 ng madaling araw, lagi ko katelebabad, LAHAT! Naging malabo na kami nung nag 1 year na, hindi na nakakaintindihan, wala ng pake minsan, hindi nauusap ng isang araw (minsan higit pa nga eh).
May isang araw na indi talaga siya nagparamdam, nalungkot ako. Kinabukasan nagkita kami tinanong ko siya kung bakit di siya nagparamdam, at alam mo sabi niya "Nabawasan pagmamahal ko eh". Oh diba? Nung una siya pa nag sabi na dapat di kami mawawalan ng communication, pero siya pala ang gagawa nun. Ilang araw nakalipas WALA NA TALAGA, WALA NA KO NARARAMDAMAN tiniis ko na lang ang huling months na yun, ang dami kasi nagsasabi sakin na ituloy ko daw dahil sayang.

Break up, nakasama ko childhood friends ko (3 kami ako lang babae) pinaalam ko sakanya yun at okay lang sakanya. Buong araw kami magkasama. AS IN BUONG ARAW. Kinabukasan na nga ko nakauwi nun eh. Sa sobrang galit at selos niya at sa sobrang na galit ako sa pinakita niyang ugali nakipag hiwalay na ko. Ayun, ang dumi ng break up namin, puro mura may nasaktan pa nga ng physically eh. Pero isang araw, nagkita kami kasama tropa namin, kinausap niya ko. Gusto niya makipagbalikan at sobrang nag sosorry siya nun. Sinabi ko sakanya na may balak ako makipag balikan pero natatakot ako kasi sa ugali na pinakita niya na kaya niya manakit. Tawag siya ng tawag, at sa huling tawag niya umiyak siya at ako steady lang dahil wala na talaga ako naramdaman after nung sobrang galit niya. TINIGIL KO NA. UMAYAW NA KO. At sa madaling salita, siya din nakamove on na. Naging masaya ako na tahimik na buhay ko. Pero lakin pasasalamat ko sakanya dahil siya ang una kong naging legal na boyfriend. Inamin niya na madami siya natutunan sakin kaya natuwa naman din ako.

Lesson learned, kung nagseselos ka, pag usapan niyo muna. Wag idaan kaagad sa galit. Magtanong ka muna. AT HINDI SOLUTION ANG BREAK UP DAHIL LANG SA SELOS.

0 comments:

Post a Comment